Aiko Melendez

NAPANOOD ng isang kilalang indie producer ang Cinemalaya entries na Hustisya na pinagbibidahan ni Nora Aunor at ang Asintado na si Aiko Melendez naman ang bida.

Kuwento ng kaibigan naming producer, parehong maganda at worth watching ang dalawang pelikula pero mas nagustuhan niya ang Asintado.

Pagdating naman sa akting, sina Nora at Aiko ang tanging magkakalaban para best actress trophy sa Director's Showcase ng Cinemalaya ngayong taon, naniniwala ang kausap namin na mahigpit ang laban ng dalawa.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Pero kung siya raw ang isa sa mga hurado ay mas papaboran niya ang mahusay na pagganap na ipinamalas ni Aiko. Katwiran niya, mas naramdaman niya ang papel na ginampanan ni Aiko. Pero paglilinaw niya sa amin, iba pa rin naman daw ang akting ng isang Nora Aunor.

"Opinyon ko lang naman'yun," sabi ng produ. "Kung papipiliin ako kung sino sa dalawa, eh, si Aiko ang iboboto ko pero as I have said, hindi rin naman nalalayo si Nora," lahad niya.

Nang tanungin namin kung may balak siyang ipagprodyus ng indie movie ang superstar ay hindi agad siya nakasagot.

"Well, marami yatang ginagawang indie movie ngayon si Guy. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ngayon, eh, gusto kong igawa ng isang indie movie si Kris Aquino na tipong Feng Shui ang istorya, at ang location, eh, sa Smokey Mauntain, sa Tondo," sey pa ng kausap namin.