Jonalyn, Tom at Carla

KUNG gaano kainit ang My Husband’s Lover nang eere ng GMA-7 sa Pilipinas isang taon na ang nakararaan, ganoon din ang pagtangkilik ng Vietnam sa phenomenal TV series na buong tapang na tumalakay sa paksa ng homosexuality.

Nitong nakaraang buwan ay nakibahagi sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa ikatlong Vietnam Star Tour, kasama si Jonalyn Viray na kumanta ng theme song ng bersiyon ng programa sa Vietnam.

Ang Vietnam Star Tour ay proyekto ng GMA Worldwide, Inc., ang subsidiary ng GMA Network na namamahala sa syndication ng mga programa at pelikula ng GMA sa ibang bansa, kasama ang International Media JS Company (IMC), isa sa nangungunang multimedia groups sa Vietnam at tagapagtaguyod ng Today TV na kasalukuyang nagpapalabas ng MHL.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The past few years have seen a steady increase in the demand for GMA programs in the region,” pahayag ni Roxanne J. Barcelona, vice-president ng GMA Worldwide. “Consequently, the popularity of our Kapuso artists also reaches various foreign audiences.”

Naging mainit ang pagtanggap ng Vietnamese fans sa Kapuso stars sa loob ng tatlong araw nilang pananatili roon. Nagsimula ang Star Tour sa isang party para sa 6th anniversary ng IMC. Nagtanghal si Jonalyn at ipinakita naman ni Carla ang kanyang kahusayan sa hosting. Nakibahagi rin sa isang charity event ang Kapuso stars at namigay ng mga regalo sa mga bata.

Dinagsa rin ng mga Vietnamese fans ang kanilang presscon na ginanap. Hinarana nina Tom at Jonalyn ang mga manonood at nag-host naman si Carla ng isang segment. Nakisalo sila sa mga nagsipagdalo sa event at nagpa-picture kasama ng kanilang supporters.

“It’s overwhelming to see the positive response to My Husband’s Lover reaching international audiences as well,” sabi ni Tom. “I’m glad they are enjoying watching this series as much as we enjoyed making it.”

Natuwa si Carla na mabigyan siya ng isa pang pagkakataon para bumisita sa Vietnam matapos siyang makiisa sa ikalawang Vietnam Star Tour noong nakaraang taon. Damang-dama ang popularidad ng Kapuso actress sa Vietnam dahil sa mga pinagbibidahan niyang programa na ipinalabas roon.

“It feels good to be back here in Vietnam. The people are very welcoming and it’s always nice to have the chance to connect with our audiences abroad,” saad niya.

Masaya rin si Jonalyn sa kanyang pakikibahagi sa nasabing okasyon.

“I’m grateful for the chance to entertain our Vietnamese fans seeing the enthusiastic support that they’ve been giving to the show,” aniya.

Nagtapos ang kanilang tour sa television guesting sa talk show na Movie World.