NI RAYMUND F. ANTONIO

Sinisi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang masamang panahon sa pagkakaantala ng mga road repair project at konstruksiyon ng 300 imprastraktura na nagpapabigat ng trapik sa Metro Manila.

Samantala, inanunsiyo ng Malacañang na pupulungin ni Cabinet Secretary Jose Rene Almendras ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bunsod ng tumitinding bangayan ng dalawang ahensiya sa isyu ng trapik.

“We are not able to proceed and go on full blast because of the weather disturbance. This has an effect to traffi c,” ayon kay Reynaldo Tagudando, director ng DPWH-National Capital Region (NCR) sa panayam sa telebisyon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Dahil sa patuloy na ulan nitong mga nakaraang araw, hindi aniya matapos ng DPWH ang konstruksiyon sa ilang bahagi ng Roxas Blvd., Bonifacio Drive, at R- 10 sa Manila na target ng ahensiya na matapos nitong Disyembre.

Aniya, naaantala na rin ang upgrade work sa Magallanes flyover sa Makati City, road reblocking at drainage and waterways improvement sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila dahil sa masamang panahon.

Sinabi pa ng opisyal na nakadadagdag din sa problema sa trapik ang pagdami ng truck sa pangunahing lansangan ng Metro Manila.

“In the port area, traffic is heavy. There are so many trucks going to the (Manila) ports to get their goods,” aniya.

Ito rin ang idinahilan ni MMDA Chairman Francis Tolentino na nag-udyok sa mga Metro Manila mayor na magpatupad ng truck ban ordinance.