PUMASYAL ako sa bahay ng isa kong amiga upang tumingin ng ibinebenta niyang tela. Sa aming kuwentuhan, napaling ang aking paningin sa isang estante na puno ng mga aklat, kabilang ang isang Biblia. Sa hitsura niyon na puro alikabok na, malamang na hindi ito binabasa ng mga nakatira sa bahay ng aking amiga. Ayoko namang manghusga ngunit naiisip ko ang mga dahilan kapag tinanong ko ang aking amiga kung bakit may alikabok sa mga lumang libro, kabilang ang Mabuting Aklat.

Kawalan ng paniniwala, walang pakialam, laging abala, walang panahon, at katamaran ay ilan lamang sa maraming dahilan upang hindi basahin ang Biblia - ang Mabuting Aklat. Ano ba ang dahilan ng di pagbabasa ng Mabuting Aklat?

Ang takot sa pagharap sa kabiguan at kasalanan ay hindi dahilan upang hindi magbasa ng Mabuting Aklat. Para na ring tumangi ka na magpasuri sa doktor kahit alam mong nasimula nang tumubo ang tumor sa iyong utak.

Totoo nga na itinutulak tayo ng Mabuting Aklat na harapin ang ating sarili. Para itong x-ray machine na tumatagos sa dingding ng kabutihan at nagbibigay ng resulta kung mayroon itong espirituwal na karamdaman. Ipinakikita nito kung paano tinitingnan ng Diyos ang lahat ng pinakamalalalang sakit ng ating kaluluwa. Ngunit higit pa sa paglalantad ng nakamamatay na kondisyon ng ating kaluluwa ang ginagawa ng Biblia. Ipinakikilala tayo nito sa Dakilang Manggagamot na magpapagaling sa ating mga kasalanan at nagdudulot ng espirituwal na paghihilom. Kapag nagbasa ka ng Mabuting Aklat na may kahandaang sumunod sa katotohanan, matutuklasan mo ang pinakamabisang paghihilom. Marami nga ang bumabatikos sa Biblia dahil binabatikos sila ng Biblia.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon