Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng korte sa tatlong Chinese na may-ari ng shabu laboratory na sinalakay ng pulisya sa Paranaque City noong Enero 2010.

Dahil sa ibinabang hatol , pinuri ni PDEA Director General Arturo Cacdac Jr si Paranaque City Regional Trial Court Branch 259 Judge Danilo Suarez.

Kabilang sa mga hinatulan sina Chu Kin Tung, alyas “Tony Lim”, 39, residente ng Hong Kong; Wong Meng Pin, alyas “Chua,” 47, residente ng Macau; at Li A Ging, alyas “Lee Ah Ching,” 29.

Bukod sa pagkakakulong ay pinagbabayad pa ng korte ang tatlo ng P10 milyon bawat isa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga dayuhan ay naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police sa pamumuno ni Senior Supt. Ismael Fajardo noong Enero 29, 2010 sa 144 Concha Cruz Drive, BF Homes, Paranaque City kung saan nadiskubre ang isang pagawaan ng shabu.

Nakatakas naman sa kamay ng batas ang dalawa pang suspek na sina Robin Bayubay Co at Xiu Xiu. - Jun Fabon