KUNMING, China (AP) — Nagmamadali ang rescuers noong Martes na ilikas ang mga pamayanan malapit sa mga tumataas na lawang nabuo ng landslides, na nagpapahirap sa relief efforts matapos ang malakas na lindol sa southern China na ikinamatay ng 398 katao at libu-libo ang nawalan ng tirahan.

Ang landslides bunsod ng lindol sa Ludian county sa Yunnan province, ay lumikha ng barrier lakes na tumataas ang tubig noong Martes at nagbabanta sa halos 800 residente at pitong power stations sa ibaba nito, na ang biglaang pagbaha ay maaaring magbunsod ng malawakang power outages, iniulat ng Xinhua.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina