Jason Statham

MUNTIK nang mamatay si Jason Statham habang ginagawa ang pelikulang The Expendables 3.

Ginagawa ng 47-anyos ang bagong instalment ng action franchise nang pumalya ang break ng truck na kanyang minamaneho.

Kinabig ni Jason ang truck na bumulusok sa nagyeyelong tubig na may lalim na 60 talampakan at tuluyang pumalpak ang stunt.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“He faced death. He was test-driving a three-tonne truck and the brakes ran out,” kuwento ng kanyang co-star na si Sylvester Stallone sa pahayagang British na The Mirror.

“It went down 60ft into the Black Sea and became impaled,” sabi pa ni Sylvester. “Luckily we had taken the doors off before. If anyone else had been in that truck we would have been dead because we were all wearing heavy boots and gun belts.”

Mabuti na lang at ekspertong diver si Jason kaya nakaligtas siya.

Bago sumikat nang magbida sa pelikulang Lock, Stock and Two Smoking Barrels noong 1998, gumawa ng pangalan si Jason bilang professional diver at

nakipag-compete sa England sa 1990 Commonwealth Games.

“We would have drowned. But because Jason is an Olympicquality diver he got out of it,” kuwento pa ni Sylvester.

Hindi lang si Jason ang nagmuntikang mapahamak sa pumalpak na stunt sa shooting ng The Expandables 3.

Una nang inamin ni Sylvester na napilitan siyang magpakabit ng metal plate sa kanyang likod nang magtamo siya ng injury sa shooting.

“I usually grade the quality of the film by the intensity of the injury,” sabi ni Sylverster.

“In this one I ended up really taking a fall on my back and ended up having some metal inserted in there so if I’m squeaky then it’s not my shoes, it’s my back!” - Cover Media