ANG export zones ng bansa ay binubuo ng isa sa pinakamatatagumpay na pagsisikap ng administrasyong Aquino. Sa P2.7 trilyong investments na

bumunos sa export zones ng Pilipinas mula pa noong 1995, P1 trilyon o 42% ang pumasok sa huling apat na taon, sa panahon ng administrasyong Aquino.

Noong 1995, ang special economic zones, na dinisenyo upang akitin ang foreign investments, ay 16. Ngayon, mayroon nang 306 kung saan tatlo ang pinangangasiwaan ng gobyerno. Ang 3,313 kumpanya sa ecozones ay nag-eempleyo ng 1.07 milyong manggagawa. Nakapag-angkat na ang mga ito ng may kabuuang $536 bilyong halaga ng mga produkto. Ang mga export mula sa ecozones ay bumubuo ng 65% ng kabuuang exports ng bansa.

Ang susi sa tagumpay ng mga ecozone ay ang programa ng government incentives na umaakit ng mga negosyante, kabilang na ang mga banyaga, upang magtayo ng operasyon sa buong kapuluan. Kabilang sa mga insentibo ang 5% tax sa gross income, kapalit ng regular na 30% ng net income.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Mahalaga rin ang pangangasiwa ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa pangunguna ni Director General Lilia B. De Lima, na sumusubaybay sa mga pangangailangan ng ecozone enterprises. Inililigtas sila ng PEZA mula sa mga problemang hinaharap ng karaniwang mga negosyo sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno.

Ang tagumpay ng economic zones ng bansa para sa export market ang nagpakilos sa gobyerno upang matayo ng kahalintulad na programa para sa mga negosyong tumutugon sa domestic market. Nangangahulugan ito ng parehong mababang buwis at parehong nakatutulong na mga serbisyo na nakatitipid sa oras ang resources, tulad ng mga kinakailangan para sa pagkuha ng mga permit at iba. Ang domestic ecozones ay itatayo sa hindi gaanong mauunlad na lugar sa bansa, hindi sa Metro Manila at kahalintulad na progresibong mga lugar. Ang pangunahing layunin ng bagong programa ay pasimulan ang kaunlaran sa mas mahirap na bahagi ng bansa.

Ngunit kailangan ding mabatid na maraming bagay ang pumipigil sa kaunlaran ng ekonomiya sa bansa. Ang mataas na buwis ba, sa kapwa national at local, ay makatarungan at patas? Masyado bang marami ang requirement tulad ng mga permit na inaabot ng ilang buwan ang proseso? Maaari bang i-apply ang ecozone system na may ilang pagbabago sa buong bansa at hindi lamang sa mahihirap na lugar?

Ang isang masusing pag-aaral ang kailangan upang malaman kung anu-ano ang maaaring gawin upang mahimok ang ating mga entrepreneur na magnegosyo sa bansa upang makapamunga tayo ng ating mga pangangailangan – na kailangan sa panahon ngayon – at magkaloob ng maraming trabaho para sa ating mga kababayan.