Bagamat kulang sa sukat ngunit palaban, aalis ngayon anh Philippine team na ang layunin ay manorpresa sa kanilang mga kalaban sa FIBA U17 World Championship na magsisimula sa Biyernes sa Al Ahli Arena sa bustling city ng Dubai sa United Arab Emirates.

Sa pamumuno ni Ateneo star Jolo Mendoza, ang Batang Gilas ay nakatuon sa isang matinding laban kontra sa malalaki, mahuhusay na batang cagers sa mundo, partikular ang Angolans, Americans at Greeks na pawang kasama ng Pilipinas Group A.

Ang Group B ay kinapapalooban ng Japan, France, Canada at Australia habang sa Group C ay nakahanay ang Puerto Rico, Italy, Spain at host country. Kasama rin sa listahan ng qualifiers ay ang Argentina, Serbia, China, at Egypt, na maglalaban sa Group D. Si Mendoza, ang Most Valuable Player sa Southeast Asian Basketball Association (Seaba) U16 tournament, ang magsisilbing cornerstone ng squad, na nakakuha ng tiket sa world stage matapos na dalhin sa masterful 77-72 win sa semifinal conquest sa Chinese Taipei sa FIBA Asia U16 sa Tehran, Iran noong nakaraang taon.

“We have a tough task ahead, but we are already here. We want to show the world the class of the Filipinos in basketball, we will not back down,” saad ni Jarin, hangad ang kapana-panabik sa laban sa sa African champion Angola sa kanilang opening game bago makipagtagpo sa Greece sa Sabado at United States sa susunod na linggo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Galing ang Pilipinas sa halis pagakyat sa inaugural FIBA U17 World Championship sa Germany noong 2010 at second edition sa Lithuania may dalawang taon na ang nakalipas. Ang Pilipinas ay tumapos na ikaapat sa FIBA Asia U16 Championship noong 2009 at 2011 laban sa Iran at Japan, ayon sa pagkakasunod.

Ang kampanya ng Batang Gilas ay kanilang ipinatas sa kanilang senior counterparts, lalarga sa FIBA World Cup sa unang pagkakataon matapos noong 1978.

“Making the U17 World is an achievement for all basketball-loving Filipinos. We made history,” pahayag ni Jarin.

Maliban kay Mendoza, inaasahan ding magdadala sa cudgels ng Batang Gilas ay sina Matt at Mike Nieto ng Ateneo, Arnie Padilla at Richard Escoto ng Far Eeastern University, Paul Desiderio at Diego Dario ng University of the Philippines, Carlo Abadeza at Mike Dela Cruz ng La Salle Greenhills, Mikel Panlilio ng International School at Renzo Navarro ng San Sebastian College.

“The biggest weakness is our height. We are always the smallest team in all tournaments we competed,” dagdag ni Jarin. “But we will show how competitive Filipinos are. We will be fighting for every rebound, every loose ball, every possession.”

Makakasama sa koponan si MVP Sports Foundation president Al Panlilio, Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) vice-chairman Ricky Vargas at SBP deputy executive director for international affairs Butch Antonio.