Tatlong kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang nagpahayag ng suporta sa three-point initiative ng Pilipinas na umaasang maayos ang gusot sa lumalalang tensiyon ng magkakaribal na claimants sa South China Sea.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose, kamakailan ay bumiyahe si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa Vietnam, Brunei at Indonesia upang talakayin ang panukalang Triple Action Plan (TAP) ng bansa ng mga paraan para matugunan ang provocative at destabilizing activities sa rehiyon nang walang prejudice sa existing territorial claims.

“So far, among these three countries that (Secretary del Rosario) has visited, all have expressed support for the initiative.” - Roy Mabasa

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho