GENERAL SANTOS CITY – Sasanayin ng militar ang may 900 opisyal ng barangay at residente sa isang liblib na barangay sa Malita, Davao del Sur para maging kasapi ng Civilian Volunteers Organization at matutong depensahan ang kani-kanilang sarili laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nananakot sa kanilang mga komunidad.

Sinabi ni Lt. Col. Ruben Patricio Amata, commander ng 73rd Infantry Battalion, humingi ng tulong sa militar ang mga opisyal ng Barangay Pinalpalan at ang mga tribal leader ng Tagakaulo sa lugar laban sa mga NPA.

Aniya, hindi na matiis ng mga residente ang umano’y pananakot at pangingikil ng mga rebelde, sa pangunguna ni Manuel Garduque, alyas Ka Lucas, ng NPA Front Guerilla 75. - Joseph Jubelag

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez