Nagbanta ng malawakang pagliban o “mass leave” sa pagtuturo ang grupo ng public school teachers sa Metro Manila kapag hindi tinaasan ang kanilang sahod.

Ito ang iginiit ng grupo ng pampublikong guro sa kanilang pakikipagpulong kahapon ng umaga kay Department of Education (DepEd) Secretary Bro. Armin Luistro.

Sinabi ni Raymond Basilio, Media Liaison ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), na nanawagan sila kay Luistro para ibigay na ang umento sa mga guro at suportahan ang House Bill 245 na naglalayong itaas sa P25,000 mula sa P18,000 ang buwanang suweldo ng mga guro sa pampublikong eskuwelahan. - Jun Fabon

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente