AYON sa care2.com, na isang website para sa isang community ng mga nagsusulong ng kapakanan ng mga hayop, mahigit 100 species ang nagiging extinct araw-araw. At ang karamihan sa mga species na ito ay biktima ng deforestation at mahigit 38 milyong ektaryang kagubatan ang tiantayang sisirain bago matapos ang taon. Sa ganitong kalaking masasayang na mahalagang bahagi ng daigdig, makikita natin ang matinging pinsala na dudulot nito sa napakaraming hayop na umaasa sa gubat. Tayo bilang pinakamatalinong kinapal sa sanlibutan, mayroon tayong responsibilidad na ng ating kapaligiran at lahat ng naninirahan dito, maging ating kapwa o hayop. Sa takbo ng progreso sa panahon ngayon, ang tao na mismo ang indirektang umuubos sa mga species.

Kamakailan lang, nailabas sa mga social media ang isang ulat na nasa pinto na ng mass extinction ang daigdig. Ayon sa Science, na isang journal, patungo na sa mass extinction ang daigdig kaya hindi na kailangang sisihin pa ang pagtama ng isang malaking asteroid. Anito, hindi nakikita ng tao na naaapektuhan nito ang maraming uri ng hayop bilang pandaigdigang pagbabago sa kapaligiran. “Among terestrial vertebrates, 322 species have become extinct since 1500, and populations of the remaining species show 25% average decline.” At sinabi pa ng Science na ang ikatlong bahagi ng mga vertebrate ay “threatened or endangered” na.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

“Defaunation” ang tawag ng mga researcher sa pagkaunti ng iba’t ibang animal species. Itituturong dahilan nito ay ang sobra-sobrang pang-aabuso sa kagubatan kung kaya nasisira ang habitat. Kalaunan, ang pangunahing dahilan ng pagkasira ng kagubatan ay ang climate change.

Ngunit may magandang balita naman daw. Hindi pa malulupig ang sangkatauhan. Ayon sa Scientific American, maiiwasan naman umano ang mass extinction kung gagawing agresibo ang konserbasyon.

Ngayon pa lamang kailangan na nating kumilos kung ayaw nating mapabilang sa mass extinction. Kalaban na natin ang panahon. Hindi malayo ang aras na bubulagain na lamang tayo ng Inang Kalikasan. Matindi ang ganti niya bunga ng ating pagmamalupit sa kanyang flora at fauna.

Nasa ating mga palad nakasalalay ang ating bukas.