Serena Williams, Angelique Kerber

(Reuters) – Ipinakita ni Serena Williams na magaling na siya mula sa mga nagdaang problema sa kalusugan nang kanyang talunin si Angelique Kerber, 7-6 (1), 6-3, sa final ng Stanford Classic kahapon.

Nakopo ni Williams, sa kanyang unang torneo mula nang mapilitang umatras sa kanyang Wimbledon doubles match dahil sa isang viral infection, ang korona sa Stanford sa ikatlong pagkakataon at ito ang kanyang ikaapat na pangkalahatan para sa season.

Ang kanyang pagbabalik sa kundisyon ay nasa tamang oras lang para sa US Open na nakatakdang magbukas sa Agosto 25.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nakuha ni Williams ang 2-0 bentahe sa ikalawang set at napigilan ang kalabang German sa kabuuan ng laro. Nagpakawala si Williams ng anim na aces at hindi nakakuha ng break point sa final set.

Target sana ni Kerber na makuha ang kanyang unang titulo para sa season, ngunit sa halip ay natalo sa kanyang ikaapat na singles final para sa 2014.