Patay ang magkaangkas sa isang motorsiklo nang makaengkuwentro ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na sumita sa kanila sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang isa sa mga suspek ay nasa edad 35-40, may taas na 5’3” hanggang 5’5”, nakasuot ng itim na t-shirt, cream checkered short pants, itim na belt at may puting helmet. Habang ang isa pang suspek ay nakasuot ng itim na jacket, brown short pants, nasa edad 40, at itim ang helmet.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon sina PO1 Ricardo Lo at PO1 Vermon Gerero, ang mga pulis-Maynila na naka-engkuwentro ng mga suspek.

Sa report ni Det. Michael Maraggun, dakong 4:25 ng umaga nang mangyari ang umano’y engkuwentro ng mga suspek at ng dalawang pulis sa panulukan ng Finance Road at P. Burgos Drive sa Intramuros.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpapatrulya sina Lo at Gerero gamit ang mobile service nang maispatan ang mga suspek na magkaangkas sa itim na Honda 100 motorcycle (1273-UD).

Sinita umano ng mga pulis ang riding-in-tandem ngunit sa halip na huminto ay nagbunot umano ng baril ang isa sa mga ito at kaagad na nagpaputok habang tumatakas.

Hinabol naman ng mga pulis ang mga suspek at pagsapit sa round table sa Intramuros ay nangyari na ang sagupaan.