Sasagupain ng Team Manila–Philippines, tinanghal na 2012 World Series Girls Big League Softball Champions, ang 2013 World Series runner-up at Latin America Champion San Juan–Puerto Rico sa una sa apat na nakatayang laban sa Agosto 4 sa ganap na 8:00 ng gabi (Martes, Agosto 5, 8:00 ng umaga sa Manila) sa ginaganap na 2014 edisyon ng prestihiyosong World Series sa Layton Field sa malawak na Pyles Center sa Delaware.

Dumating ang Asia Pacific Champions noong Linggo sa mainit at mahangin na siyudad ng Sussex na mataas ang kumpiyansa kahit na mahaba ang biyahe mula Los Angeles kung saan agad itong isinailalim sa ilang napakahirap na training session ng coaching staff sa pamumuno ni head coach Anna Santiago bilang paghahanda sa kanilang asam na muling makamit ang korona sa buong mundo sa mahirap na sports event.

Ang Big City softbelles, na binubuo ng pinakamagagaling na 18-under UAAP batters na pinili mula sa University of Sto. Tomas, National University, University of the East, at defending UAAP champion Adamson University, ay bitbit ang suporta nina Manila Mayor Joseph Estrada, Vice Mayor Isko Moreno, Philippine Airlines at ICTSI.

Apat na standout pitcher na sina Mary Ann Antolihao at Mary Luisse Garde mula UST, pati na sina Baby Jane Raro at Riflayca Basa ng Adamson University, kasama ang catcher at third base na si Roxzell Pearl Niloban ang bibitbit sa Team Manila, na pinalakas din ng beterano sa pangunguna nina shortstop Queeny Sabobo, utility Angelie Ursabia at outfielder Lorna Adorable mula Adamson University at third base na si Arianne Vallestero ng National University.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We have been bracketed among the Series’ toughest teams in Pool A together with up and coming Puerto Rico, Florida and two strong teams from host Delaware, one of which is the defending champion,” sabi ni Manila Little League Philippines President Rafael “Che” Borromeo. “I believe that the girls can pull this one off, but of course we do expect very stiff competition,” sabi pa ni Borromeo.

Walong iba pang regional champion teams na kabilang ang 2013 World Series defending titlist Laurel–Delaware (Host Dist. 3) ang sasabak sa aksiyon sa edisyon ngayong taon kasama ang San Juan–Puerto Rico (Latin America), Windsor–Ontario (Canada), Grand Rapids–Michigan (USA Central), Antelope Valley–California (USA West), Cape Coral–Florida (USA Southeast), Calhoun–Louisiana (USA Southwest), at Milford–Delaware (USA East).

Kailangan ng Team Manila–Philippines na talunin ang Milford–Delaware sa Agosto 5, ang defending champion na Laurel–Delaware sa Agosto 6, at ang all star team mula Cape Coral–Florida sa Agosto 7 upang umusad sa semis.