Richard Gomez

Ni ANGELINE NICOLE RIVAMONTE, trainee

MAGBABALIK-TELEBISYON si Richard Gomez bilang host at ‘Master Silencer’ sa pinakabagong game show sa TV5, ang Quiet Please! Bawal ang Maingay!.

Siguradong kasasabikan itong panoorin ng televiewers dahil sa kaabang-abang na tema nito, maging ang first batch of players na maglalaro sa Linggo, Agosto 10, 2014, 8:00 PM.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Ang unang grupo na haharap sa challenges ay ang special celebrity players na sina Derek Ramsay, Alice Dixson at Wendell Ramos na maglalaro bilang “Team Sexy”. Makakatunggali nila ang pinakamalalapit na kaibigan sa showbiz ni Goma na sina Joey Marquez, Anjo Yllana, at ang dating leading lady ni Goma na si Snooky Serna bilang “Team BFF” naman.

Sa paghaharap ng dalawang grupo ay mapatutunayan kung bakit talagang naiiba ang Quiet Please! Bawal ang Maingay!. Dadaan kasi ang celebrity players sa iba’t ibang challenges na hindi dapat nila maalerto ang isang giant noise-meter (sensitive device na agad tutunog kapag naabot ang particular noise level na limit nito).

Kaya para maiuwi ang grand prize, kailangang malagpasan ng contestants ang bawat challenge na walang anumang nalilikhang ingay o tunog.

Makakasama ni Goma na maghahatid ng saya at ligaya sa bagong game show ang komedyanang si K Brosas na makikigulo rin sa mga contestant.

Garantisadong entertainment at humahagalpak na tawa ang mararansan ng mga manonood sa naiibang palabas kaya hindi dapat palampasin ang pilot episode ng pinakabagong game show sa TV5, ang Quiet Please! Bawal ang Maingay!