BEIJING (Reuters) – Isang magnitude 6.5 na lindol ang tumama sa southwestern China noong Linggo, na ikinamatay ng 398 katao at 1,881 pa ang nagtamo ng mga pinsala sa malayong probinsiya ng Yunnan, at libu-libong gusali ang gumuho.

Sinabi ng U.S. Geological Survey na ang limdol ay rumehistro sa lalim na 1.6 km, at naramdaman din sa mga katabing lalawigan ng Guizhou at Sichuan.

Ayon sa official Xinhua news agency, ang epicenter ay nasa bayan ng Longtoushan sa bulubunduking Ludian county.

Matinding naapektuhan ang komunikasyon sa lugar at ngayon pa lamang nagsisimulang dumating ang rescuers.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagtakbuhan ang mga tao sa mga lansangan matapos ang lindol, naputol ang mga linya ng kuryente. Isang paaralan at mahigit 12,000 kabahayan ang gumuho at 30,000 ang nasira.

Inilarawan ng isang residente ng Ludian na si Ma Liya ang mga lansanagn na tila “battlefield after bombardment”.

Nagpadala ang gobyerno ng 2,000 tent, 3,000 folding bed, 3,000 quilt at 3,000 coat sa disaster zone.

Ang Ludian ay tahanan ng 265,900 mamamayan, ayon sa Xinhua.

Ang rehiyon ay madalas tamaan ng lindol, at isa ang pumatay ng mahigit 1,400 sa ilang bahagi ng Yunnan noong 1974.

Ang lindol sa Sichuan noong 2008 ay pumatay ng halos 70,000 katao.