Sampung dating collegiate basketball stars ang nakatakdang sumubok sa kanilang kapalaran para sa ambisyong makapaglaro sa professional ranks sa pamamagitan ng kanilang paglahok sa darating na PBA Annual Rookie Draft na gaganapin sa ika-24 nitong buwan.

Hawak at ginagabayan ng beteranong agent-manager na si Ed Ponceja, karamihan sa mga nabanggit na mga collegiate player ay nakapaglaro na sa PBA Developmental League.

Pinangungunahan ang mga tinutukoy na manlalaro nina dating Adamson ace playmaker at dati ring Blackwater Sports guard Jericho Cruz, ang kanyang dating kakampi sa Blackwater at dati ring shooting guard ng University of Santo Tomas na si Clark Bautista at dating kakampi ni Cruz sa Adamson at nakilala ring isang enforcer bilang power forward ng Big Chill Superchargers na si Rodney Brondal.

Kasama rin nila ang mga dating manlalaro ng University of the East na nakilala sa kanilang hustle at outside shooting na si Lord Casajeros at Ralph Olivares, gayundin sina dating D-League stars Franklin Bonifacio, Vincent King Importante, Alvin Alinon, Michael Acuna at Allan Santos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dahil sa pagkakaraoon ng dalawang expansion teams na Kia Motors at Blackwater Sports, kabilang ang sampung mga manlalarong nabanggit na mabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang mga talento sa kauna-unahang professional basketball league sa buong Asia.

Produkto ng San Francisco University, si Bonifacio ay naglaro at naging kakampi nina Brondial sa Big Chill kung saan kakampi din nila ang enforcer na si Allan Santos na galing naman ng Adamson gaya ni Importante bago nalipat sa Lyceum of the Philippines.

Dati namang manlalaro ng St. Francis of Assisi College ang part time ramp at print model na si Acuna habang galing naman ng Rizal Technological University si Alinon na nakapaglaro din sa Cebuana Lhuillier kung saan huling naglaro sina Olivares at Casajeros.