Motorists experience  rainy morning traffic heavyon the early monday morning rush August 4, 2014  Southbound of EDSA.  Monday morning traffic was heavy in several major roads in Metro Manila. Photo by: Linus Guardian Escandor II

Patay ang isang pahinante at pitong iba pa ang nasugatan makaraang maatrasan ng isang nasiraang 14-wheeler truck ang walong sasakyan sa southbound ng C-5 Road sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Matinding pagkakaipit sa Elf truck (TKL-521) na isa sa mga naatrasan ang tumapos sa buhay ni Richard Parado, ng Parañaque City.

Samantala, sugatang isinugod sa magkakahiwalay na pagamutan ang pitong hindi pa nakikilala.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Sa inisyal na ulat ng Taguig Traffic Department, dakong 3:30 ng umaga nang nasiraan sa pataas na bahagi ng C5 ang 14-wheeler truck (UNE-539) ng Treasure Rock Movers at may kargang buhangin, hanggang sa aksidente itong umatras at binangga ang dalawa pang truck, tatlong taxi at tatlong kotse.

Umalis ang driver at pahinante ng truck at posibleng hindi umano nailagay sa handbrake at bumigay din ang sinasabing kalso na inilagay sa gulong nito, kaya umatras ang truck, dulot na rin ng madulas na kalsada.

Dahil dito, ilang oras na nagkabuhul-buhol ang trapiko mula sa Market! Market! sa Taguig hanggang sa Miriam College at Ateneo area sa Quezon City.

Dakong 10:28 ng umaga nang matanggal sa kalsada ang mga naaksidenteng sasakyan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).