Stanford (United States) (AFP) – Gumulong si Serena Williams patungo sa final ng WTA hardcourt tournament sa Stanford kamakalawa nanag kanyang makuha ang huling walong games para sa 7-5, 6-0 panalo kontra Andrea Petkovic.
Ang world number one at top seed, sa kanyang unang torneo mula sa kanyang nakadidismayang kampanya sa Wimbledon, ay nahirapang maiwanan ang eighth-seeded na German sa maagang bahagi ng laban.
Naglaban sila sa 5-5 sa opening set, nakuha ni Petkovic ang tanging break point sa unang 10 games, ngunit matapos makuha ang 6-5 na abante, umarangkada si Serena sa 12th game at nai-convert ang kanyang fifth set point laban sa serve ni Petkovic.
Walang nakapigil sa 17-time Grand Slam champion mula sa puntong iyon. Matapos ang unang set na tumagal ng 50 minuto, tinapos niya ang ikalawa sa loob ng 27 minuto, na-break si Petkovic sa ikaapat na pagkakataon nang lumampas ang forehand ng German para sa match point.
Makakatapat ni Williams ang mananalo sa semi-final sa pagitan ng third-seeded German na si Angelique Kerber at US veteran Varvara Lepchenko.