INDIANAPOLIS (AP) – Sinabi ng mga doktor na ang pinakamalaking hamon kay Paul George ay parating pa lamang, at maaaring abutin ng isang taon o higit pa bago siya makabalik sa lineup ng Pacers.
Isang araw matapos magtamo ang two-time All-Star ng open tibia-fibula fracture sa kanyang kanang binti sa kasagsagan ng USA Basketball intrasquad scrimmage sa Las Vegas, naglabasan ang mga katanungan tungkol sa recovery ni George – at kung magbabalik pa ang kanyang porma na nagluklok sa kanya bilang isa sa most complete players ng NBA.
Sinabi ng 24-anyos na si George na siya ay kumportableng nagpapahinga Sabado ng umaga matapos sumailalim sa surgery. Nagpalabas naman ng statement si Pacers president of basketball operations Larry Bird na nagsasabing umaasa siyang magbabalik si George sa Indianapolis sa darating na linggo bago mag-umpisa ang kanyang mahabang proseso ng rehabilitasyon.
‘’The thing about breaking a bone is that if you get it back in the appropriate position, it can be as good as new,’’ lahad ni Dr. James Gladstone, co-chief ng sports medicine sa Icahn School at Medicine at Mount Sinai sa New York. ‘’If the muscle is not involved and the bone and muscle are fully healed, then I think he will get back (to his previous form).’’
Ayon kay Gladstone, na hindi doktor ni George, karaniwang inaabot ng siyam hanggang 12 na buwan ang mga atleta para tuluyang makarekober sa ganitong uri ng injury. Kung masusunod ang time table na ito, posibleng magbalik si George sa Mayo sa kasagsagan ng NBA playoffs.
Kung hindi makapaglalaro si George sa kabuuan ng season, mayroon siyang 15 buwan bago ang opening day ng 2015 – isang timeline na katulad sa prognosis ni Dr. Patrick Kersey. Si Kersey, isang physician sa St. Vincent Sports Performance sa Indianapolis, ang medical director ng USA Football na gumamot kay Lousivill guard Kevin Ware nang magtamo ito ng katulad na injury sa 2013 NCAA tournament regional finals.
Bagamat hindi si Kersey ang physician ni George, sinabi niyang aabutin ng anim hanggang 12 linggo bago tuluyang maghilom ang buto at karagdagang anim hanggang 10 linggo bago makalakad ng normal si George. Kung magiging maayos ang lahat, sinabi ni Kersey na makababalik si George sa loob ng anim hanggang 12 buwan, bagamat nagbabala ito na aabutin ng may 18 buwan bago muling makapaglaro si George ng tulad ng dati.
Ang magiging malaking balakid kay George ay ang pasensiya nito.
‘’It’s a challenge because (athletes) want to push the envelope always,’’ ani Kersey. ‘’First, he has to get back to a normal life and then the body needs to work in an efficient way. Once those pieces are in place you can kind of start training and then return to basketball.’’
Wala namang ibinigay na time table si Bird noong Sabado. ‘’It is way too early to speculate on his return as the No. 1 priority for everyone will be his recovery,’’ saad ni Bird. ‘’Our initial discussions with our doctors and the doctors in Las Vegas have us very optimistic.’’
Marami ang naghahangad ng agarang paggaling ni George. Ang kanyang mga kakampi, reigning MVP na si Kevin Durant at LeBron James ay ginamit ang Twitter upang magbigay ng suporta at ang training camp ng Indianapolis Colts sa kalapit na bayan ng Anderson, sa pangunguna nina coach Chuck Pagano at punter Pat McAfee ay nagpaabot din ng pagsuporta.
‘’This is a devastating injury to a great, great player and we want Paul to know that we’re all family in this city and our thoughts and prayers go out to him. We’ve got his back,’’sabi ni Pagano.
Isang fan ng Pacers, dagdag ni McAfee: ‘’He’s a good guy off the court and a baller on the court, and I can’t wait to see him back on it and win the Comeback Player of the Year Award.’’