SA rami ng mga oportunidad na dumarating ngayon sa buhay at sa career ni Piolo Pascual, tama lang ang kanyang desisyon na ipagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aartista.
Inamin ni Piolo kamakailan na nagbalak na sana siyang tumalikod sa showbiz para pag-ukulan ng panahon ang kanyang mga negosyo at ganoon din ang pagkakaroon ng sariling pamilya.
Kapipirma lang ni Piolo ng panibagong two-year contract sa ABS-CBN. Aminado ang walang kupas sa kaguwapuhan at patuloy na hinahangaang Kapamilya actor na ang second wave ng kanyang huge success sa entertainment industry ay ang pelikulang Starting Over Again. Ang paghablot nila ni Toni Gonzaga sa No.1 box office record ang nagpabago at muling nagbigay niya ng determinasyon para ipagpatuloy ang kanyang passion bilang artista.
Bukod sa primetime seryeng Hawak Kamay, napapanood gabigabi after TV Patrol, may panibago na namang trophy sa career ng aktor dahil siya ang napili ng E! News Asia para i-feature sa kanilang entertainment show sa USA.
Ang unang Pinoy celebrity na itinampok ng E! News Asia ay si Anne Curtis, si Piolo ang pangalawa.
"More that the pressure, it's a privilege," pahayag ng aktor na hindi maitago ang labis na kasiyahan. "It's an honor, para na akong nasa reality (show), okay naman 'yung interview, they were so nice at hindi sila maintriga."
Itatampok si Piolo hindi lang bilang actor kundi bilang ama rin ni HUgo, on and off-cam.
Samantala, kahapon sa Cebu, isinuot ni Piolo ang uniform o colors of Sun Life of Canada (Philippines) sa Ironman 70.3 Triathlon bilang bahagi ng Sun Life Tri Team.
Si Piolo ang designated cyclist sa male-relay race at two-loop 0 56-mile course ang lalakbayin niya sa nasabing popular sporting event.
Sumabak na si Piolo sa triathlon dati pero ito ang una niyang pagsabak sa racing na bitbit ang Sun Life banner.
''I'm very thankful that my Sun Life family is behind me in this pursuit," sabi ng aktor. "Sun Life advocates a brighter life and that includes making sure that your health is also in check."