Nabigo ang Philippine Billiards Team na itala ang isa pang kasaysayan matapos itong kapusin na maiuwi ang korona kontra sa host na China 2 sa 2014 World Pool Team Championship na nagtapos Sabado ng gabi sa Tongzhou, Luhe High School sa Beijing, China.

Muling naudlot ang pagkakataon ng Pilipinas na maiuwi ang titulo nang hindi umubra ang talento ng Filipino cue players kontra sa matinding determinasyon ng Chinese pool artist na itinakas ang 7-5 panalo.

Sinandigan ng China 2 ang pareha nina Liu Haitao at Liu Shasha upang daigin ng host country ang pares nina Carlo Biado at Rubilen Amit sa 10-ball mixed double sa panghuling labanan.

Ang panalo nina Haitao at Shasha ang nagbigay sa ika apat na panalo sa anim na laro para sa China 2 tungo sa pag-angkin sa nin din ang $80,000.00 premyo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Umatake agad ang China sa 3-0 abante matapos manalo si Liu kay Dennis Orcollo, 6-4, sa 8-ball men’s singles; sina Wang Can at Dang Jinhu kontra Biado at Corteza, 6-2, sa 8-ball doubles at si Jinhu sa nakatapat na si Corteza, 8-5, sa 9-ball men’s singles.

Gayunman, nagpilit ang Pilipinas na makabangon sa panalo ni Amit kay Fu Xiaofang, 8-4, sa 9-ball women bago ito nasundan ng 7-5 panalo ni Orcollo kay Wang para sa 2-3 iskor.

Puwersadong magwagi sina Biado at Amit upang itulak sa shootout ang kampeonato na hindi nito nagawa upang magkasya na lamang ang Pilipinas sa ikalawang runner-up na pagtatapos na una nitong naabot noong unang edisyon noong 2010.

Iniuwi ng Pilipinas ang pampalubag-loob na $10,000.00 premyo.