Ni GENALYN D. KABILING

Bagamat kontrolado niya ang malaking lump sum funds, ipinanukala ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang P223-milyon budget cut sa Office of the President sa ilalim ng panukalang 2015 national outlay.

Ito ay kabaliktaran ng bahagyang pagtaas ng panukalang budget para sa Office of the Vice President, Kongreso, at Korte Suprema sa ilalim ng budget bill.

Base sa P2.606-trilyon budget proposal na isinumite kamakailan sa Kongreso, hiniling ng Office of the President ang budget na P2.567 bilyon sa 2015, mas mababa sa P2.790 budget outlay ngayong 2014.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Mula sa P2.56 bilyon na OP budget sa 2015, may P1.910 bilyon ang ilalaan sa maintenance and other operating expenses (MOOE), na mas mababa sa P1.998 bilyon ngayong 2014.

Ang alokasyon para sa OP personnel services, tulad ng sahod, ay tumaas sa P6.36 milyon sa 2015, mula P608 milyon ngayong 2014.

Maglalaan naman ng P20 milyon para sa capital outlay sa 2015, na malaking nabawas mula sa P183 milyon ngayong 2014.

Kabilang sa mga MOOE item na babawasan ang budget ang travel expenses (P308 milyon sa 2015 mula sa P336 milyon ngayong 2014), communication expenses (P33M sa 2015 mula sa P50M ngayong 2014), at utility expenses (P113M sa 2015 mula sa P118M ngayong 2014).

Subalit ang panukalang budget ng Pangulo para sa confidential at intelligence expenses ay hindi nagbago sa P250 milyon.

Sa ilalim ng presidential executive staff service, ang panukalang budget para sa local/ foreign missions at state visit ng Office of the President ay nasa P552 milyon, P69 milyon sa presidential security and close-in function, at P118 milyon sa management of special events and internal house affair.