Natakdang idaos ang malaking pakarera ng National Press Club kasabay ng 5th Leg Imported-Local Challenge race sa Agosto 10 sa Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Punumpuno sa aksiyon ang taunang pakarera ng NPC sa pawang sumailalim sa free handicapping.

Umaapaw din ang papremyo ng bawat karera na lalahukan ng mga mahuhusay sa kabayo na dumaan sa masusing handicapping.

Kasabay nito lalarga rin 5th Leg Imported-Local Challenge race na may paremyo na P.5-milyon na mananalo ang tatanggap ng P300,000 at trophy.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukas ang nasabing pakarera sa lahat ng 3-year-old at pataas na local at imported horses na tatawid sa distansiyang 2,000 meters.

Ngayong umaga magaganap ang karera sa MMTCI.

Sa Race 1, limang kabayo ang magkikita para simulan ang Winner Take All (WTA) ng mga kalahok na Diana Beatrice, Perfectionist, Time To Change, Toscana, at Andalucia.

Sisimulan naman ang Race 2, bilang panimula ng Pick 5 event at dalawa ang mamamarin maglaban ito’y sina Comsolidator ay Silver Champ.

Mahigpit naman na maguunahan sa Pick 6 sa race 3 kina Nemesis,Kasilawan, Muchos Gracias,Red Cloud at That Is Mine.

Masusubukan ng naman ang kalahok sa Race 4 ang mga entry na Security Choice at couple entry nito Busilak ang Puso, Magic In The Air, Poetic Justice, Ms. Bling Bling at dehadong Native Land.

Magkakasubukan sa MetroTurf Special sa Race 5, ang mga kalahok na Fly Me To The Moon, Rhapsody Blues, Wood Ridge, Magnitude Eight, at Princess Jo, habang sa Race 6 naman maghaharap ang limang kalahok na pangungunahan ng Magatto at Chlodie’s Choice.

Masusukat naman ang galing ng Eloquence sa Race 7, at ang anim na kalahok sa Race 8 na sina Dark Hero, Flicker of Hope, Lucky Dream, Swete Lang, Cha and Ryan at Handsome Hunk.