Kinansela ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lisensiya ng isang recruitment agency dahil sa pagpapadala ng overseas Filipino worker sa isang bansang may umiiral na deployment ban.
Binawi ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac ang lisensiya ng Expert Placement Agency, Inc., nang tangkain nitong ipadala sa Lebanon ang ilang OFW kahit pa may deployment ban doon.
Binanggit ni Cacdac na nadiskubre ng immigration authorities na unang ipapadala sa Dubai ang apat na babae na magtatrabahong kasambahay bago bibiyahe patungong Lebanon.
Nabatid na 2007 nang idineklara ang total deployment ban sa Lebanon matapos na sumiklab ang kaguluhan dito. Noong 2012, tanging ang mga bagong recruit ang pinagbawalan sa Lebanon.