Rocco Nacino

AMONG Kapuso stars ay isa sa mga gusto naming mainterbyu si Rocco Nacino. Kaya ganoon na lang ang excitement namin nang magpatawag ng mini-presscon ang National Press Club, sa pangunguna ng pangulo ng samahan na si Sir Joel Egco, para sa pelikulang Ibong Adarna.

Pero ni anino ni Rocco ay walang dumating.

Siya pa naman ang bida bilang prinsipe na hahanap sa mahiwagang Ibong Adarna para magamot ang karamdaman ng amang hari o sultan na sinasabing walang lunas. Gumaganap naman bilang hari si Joel Torre na wala rin sa nasabing presscon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi naman daw inisnab ng dalawang aktor ang ipinatawag na presscon.

“Masama ang pakiramdam ni Rocco kaya hindi siya nakarating ngayon at gano’n din si Joel Torre,” pagtatanggol ni Direk Jun Urbano.

Present sa presscon sina Leo Martinez na gaganap bilang walanghiyang kapatid ng sultan, Ronnie Lazaro, Lilia Cuntapay at iba pang kasama sa cast.

Ayon kay Direk Jun Urbano, ang Ibong Adarna na isinulat noon pang panahon ng mga Kastila ay binigyan nila ng Pinoy interpretation. Tinanggal ni Direk Jun ang character ng tatlong prinsipe at ginawa lang niyang isa.

“Nais naming makapaghandog ng bagong pelikula, something that’s entertaining yet substantial. It’s a cut above the rest in many aspects,” banggit pa ni Direk Jun. “I’m proud dahil ako ang gumawa ng ikaapat na version. It’s an honest to goodness and sincere film. It’s worth viewers’ hard-earned money. I hope that its audience, especially the student, will feel like they are watching the adventure movie Indiana Jones.”

Ayon pa kay Direk Urbano, ang bagong version ng Ibong Adarna ay naaayon sa panlasa ng kabataan.

“Imbes na sultan, ginawa kong hari. Mayroon din itong nuno sa punso, aswang at haribon, or Philippine eagle,” paliwanag pa niya.

When asked kung bakit hindi ito nakapasa sa Metro Manila Film Festival kahit inendorso naman ito ng Department of Education: “’Yan nga ang itinatanong ko hanggang ngayon. Two years ago ay isinali ko nga ito sa taunang festival natin (MMFF) pero ‘di nakapasok. Ayaw ko nang magtanong at baka ma-stress lang ako. Gusto nila yata ay ‘yung paulit-ulit na lang na istorya ng pelikula,” paliwanag pa niya.