Bilyong dolyar na ang kinikita ng business process outsourcing (BPO) sa healthcare services at patuloy itong umaangat.

“Matagal na itong (industry) nag-bloom noong 1997 pa at patuloy na lumalawak,” pahayag sa Balita ni Ms. Josefina Lauchangco, pangulo ng Healthcare Information Management Outsourcing Association of the Philippines (HIMOAP), matapos niyang lagdaan noong Agosto 1 ang memorandum of agreement kasama si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva, para sa P16.275-milyon scholarship ng 1,550 katao.

Ayon kay Lauchangco, nagdoble ang kita ng industriya mula sa 72 porsiyento noong 2012 ay naging 114 porsiyento noong nakaraang taon nang mailista sa $988 million ang kinita nito.

Aniya, tinaya nilang aabot sa $1 billion ang kikitain ng industriya ngayong taon at malalagpasan pa ito sa 2015.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinabatid ni Lauchangco na pinamalaking bulto ng kanilang kliyente ay mula sa Amerika at Australia at ngayo’y nag-e-expand sa United Kingdom, Canada at iba pang bansa na nangangailangan ng medical transcription sa hospital records at insurance.

Sinabi naman ni Villanueva na ang kasunduan ng TESDA at HIMOAP ay patunay na kumikilos ang gobyerno para makapagtapos ng skills training ang ating mga kababayan para magkatrabaho o magkaroon ng kabuhayan.