Nabigo ang Pilipinong si Adonis Aguelo na magkaroon ng pagkakataon para sa isang world title bout nang matalo siya sa pamamagitan ng 10-round unanimous decision ni WBC No. 2 junior lightweight Sergio Thompson kahapon sa Quintana Roo, Mexico.

“Sergio ‘Yeyo’ Thompson remains in the hunt for another shot at a super featherweight title, following a well-earned 10-round points win over Adones Aguelo. Scores were 97-92 and 96-93 (twice) for Thompson in their Fox Deportes/Televisa-televised headliner Saturday evening,” ayon sa ulat ni boxing writer Jake Donovan ng BoxingScene.com.

“It seems that Thompson is incapable of being in a disinteresting fight. His latest ring appearance was no exception, as his blatant disregard for defense always leaves a sliver of hope for his opponent. For that reason, Aguelo enjoyed moments of success over the course of the 10-round affair,” dagdag sa ulat. “When Thompson dug in deep and went to work, he showed why he belongs on the contender. A dominant round six sealed the deal for an eventual win, with Thompson putting on a power punching display. A right uppercut put Aguelo on his heels, as he was eventually beaten to the canvas for the bout’s lone knockdown.”

Sa kanyang pagwawagi, si Thompson ang naging mandatory contender ni WBC super featherweight champion Takashi Miura ng Japan na tumalo sa kanya sa puntos noong nakaraang taon. Pulos kabiguan ang nalasap ng Pinoy boxers nitong nakaraang tatlong araw sa pangunguna ng dating nakabase sa Japan na si Jerope Mercado na natalo sa 3rd round knockout kay Aussie Brandon Ogilvie para sa bakanteng West Australia lightweight title na ginanap nitong Agosto 1 sa Metro City, Northbridge, Western Australia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kamakalawa naman sa Korakuen Hall, Tokyo, Japan, natalo rin si dating Philippine featherweight titlist Cirilo Espino kay ex-Japanese at one-time world challenger sa super featherweight division na si Daiki Kaneko sa 4th round TKO.