TARLAC CITY - Makakaranas ng limang oras na power interruption ang ilang lugar sa Tarlac at Nueva Ecija ngayong Lunes, Agosto 4, 2014.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, mawawalan ng kuryente simula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa mga bayan ng Bamban, Capas, Concepcion at La Paz sa Tarlac; at Zaragoza sa Nueva Ecija.

Ang power interruption ay para mapabilis ang pagsasaayos sa Luzon Substation Expansion Project 2. - Leandro Alborote

Kaso ng dengue sa ilang munisipalidad sa NCR, umabot na sa epidemic level