LOS ANGELES– Bilang bahagi sa kanilang buildup para sa 2014 World Series Girls Big League Softball Championship na nakatakda ngayon sa Pyles Center sa Sussex, Delaware, nagasagawa ang Team Manila-Philippines ng anim na matiting training sessions sa loob lamang ng tatlong araw sa Artesia Park sa Cerritos, Citrus College sa Glendora at University of La Verne.

Ang Big City softbelles, kinabibilangan ng pinakamamahusay na 18-under UAAP batters mula sa University of Sto. Tomas, National University, University of the East, at Adamson University, ay nakatutok upang muling mapasakamay ang world crown na kanilang napagwagian noong 2012 edition sa prestihiyosong event.

At upang makumpleto ang kanilang powerhouse roster, dumating na rin kahapon sa Delaware si pitcher at right fielder Mary Ann Antolihao ng UST, catcher at third base Roxzell Pearl Niloban ng UE, second base Lovely Dyan Arago ng NU at third base Christy Joy Roa ng UST, na pawing napag-iwanan sa Manila sanhi ng pagkaka-antala sa pagpapalabas ng kanilang entry visas.

Ang Asia Pacific champions, kinakalinga ni Manila Mayor Joseph Estrada, Vice Mayor Isko Moreno, Philippine Airlines at International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI), ay mapapasabak agad sa San Juan-Puerto Rico na iprinisinta ng Latin America sa Agosto 4 sa ganap na alas-8:00 ng gab (Agosto 5, 11:00 AM sa Manila time) sa Layton Field ng Pyles Center.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Tiwala naman si Manila Little League Philippines president Rafael “Che” Borromeo, dating city councilor at ngayon ay Senior Executive Assistant kay Mayor Estrada, sa kanilang tsansa na muling makubra ang titulo sa naturang event.

“I think this is quite a strong team,” pagmamalaki ni Borromeo. “It’s all about determination and the will to win. Iba naman talaga ang Pinoy and even though we are all volunteers here, I believe the girls will give it all they got dahil para sa bayan ito.”

“Tingin ko malakas at malalim ang team natin ngayon, pinaghalong beterano at rookies, mas malakas pa nga siguro kaysa sa team natin na nag-champion noong 2012,” sambit naman ng head coach na si Anna Santiago.

Apat na standout pitchers, sa pangunguna nina Antolihao at Mary Luisse Garde ng UST, maging sina Baby Jane Raro at Riflayca Basa ng UAAP girls softball champion Adamson University, ang magpapalakas sa Team Manila–Philippines, na napahanay sa Series’ toughest teams sa Pool A kasama ang Puerto Rico, Florida at dalawang koponan ng host Delaware.

Walong iba pang regional champion teams, sa pamumuno ng 2013 World Series Big League defending champions Delaware, ang makikita sa aksiyon para sa edisyon sa taon na ito kasama ang San Juan–Puerto Rico, Ontario–Canada, Michigan, California, Louisiana, Florida, at Milford–Delaware.