May ilan tayong kababayan na nagkakamali sa pag-iisip na ang kita lamang ang layunin ng isang negosyo. Sa totoo lang, ang kita ay sukatan ng kung paano tinutugunan ng isang kumpanya ang mga pangangailangan ng mga tagapagtangkilik nito, lalo na ng publiko. Lumalaki ang kita kapag nakikita ng mga kliyente ang isang kumpanya na nagdudulot ng de-kalidad na produkto at mga serbisyo sa angkop na presyo. Napananatili ang mga gastusin sa angkop na antas kapag napangangasiwaan nang mabuti ng kumpanya ang resources nito, nang walang paglabag sa ano mang batas at regulasyon.
Kaya kahina-hinayang na nitong mga nagdaang hakbang ng gobyerno, na habang nakabase sa public interest, ay nakapinsala sa mga interes ng sektor ng kalakalan at kalaunan sa publiko.
Ang truck ban, habang ipinatupad upang mapagaan ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente ng Manila, ay nakaaapekto sa supply chain na nauuwi sa kakapusan ng mga pangunahing bilihin, mga delay o walang delivery ng materyales na kailangan ng mga pabrika, at ang kawalang abilidad nito na tugunan sa takdang oras ang mga order ng export.
Ang sambayanang Pilipino ay nagdurusa sa matataas na presyo ng mga pangunahing pangangailangan at maaaring mawalan ng trabaho sa hinaharap. Ang karagdagang ng isa pang pangkat ng accreditation para sa mga importer ay nakapagpabagal sa proseso ng logistical management.
Ang pagtugis sa mga colorum na sasakyan na nagreresulta sa di pagtugon sa pangangailangan ng mga pasahero ay naiwasan sana kung una nitong hinayaan na gawing legal ang maraming kinakailangang behikulo. Ang tagos-hanggang-langit na multa para sa mga paglabag, maging sa transport sector o sa iba pang economic sector, ang pupuwersa sa mga negosyo na magsara o maglihim, sa kapinsalaan ng publiko.
Ang pambansa at mga lokal na pamahalaan ay kailangang maging maingat sa pagbalangkas ng mga panuntunan at regulasyon. Kailangang tiyakin nito na ang epekto sa negosyo at industriya ay naisaalang-alang, para sa interes ng negosyo at pati na rin ng publiko.