Ayon sa Multiple Indicator Survey ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) at National Statistics Office (NSO) noong 2012, 38.7% lang ng mga pamilya ay mayroong kahit isang miyembro na may trabaho. Wala pa po sa kalahati, kapanalig. Karamihan sa kanila ay mga magsasaka, mangingisda at unskilled worker. Halos kalahati din ng mga pamilya na kasama sa survey ay may isang miyembro lamang ang may PhilHealth. 19 percent lamang ang kasapi sa SSS. 6.7% lamang ang may pribadong health insurance o HMO (health card nyo na bukod pa sa Philhealth). 5.5% lamang ang GSIS member, at 4% lang ang may life o pre-need insurance.

Kapanalig, napakahalaga ng social protection. Ang mga polisiya at programa na naglalayon na mabawasan ang kahirapan at vulnerability ng tao sa mga risk o panganib. Pinabubuti nito ang estado ng tao at pinangangalagaan ang kanilang karapatan dahil pinoprotektahan at sinusulong nito ang kanyang kabuhayan, nagsisilbing proteksyon para sa hazards at biglang pagkawala ng kabuhayan, at tumutulong din sa risk management ng buhay.

Para sa maralita, ang social protection ay isang instrumento na pumipigil sa kanilang tuluyang malugmok sa dilim ng kahirapan. Kapag nagka emergency, sana may SSS o GSIS na malalapitan. Yung nga lang, hindi nga ganun kakomprehensibo ang mga ito at marami sa ating mga kababayan ang wala ng mga ito.

Hindi ba napakaganda kung may programa ang bansa na dahil ikaw Pilipino, hindi ka mamomroblema kung nagkasakit o naaksidente ka? Hindi mo kakailanganin ang pera? Sobrang galing ng programa mo kung may branch ka pa sa isang bansa para sa ating mga bayaning OFW.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Iyan ang programang maipagmamalaki. Yun lang, wala tayo nito. Ang ibang bansa meron. Tayo, Philhealth at Healthcard lang. At ayon nga sa nabanggit na pag-aaral, ang karamihan sa mga kababayan ay wala nito.

Bilang Kristyano, tayo ay tinatawag na tumugon sa pangangailangan ng lahat ng ating mga kapatid. At ang ating pinakadakilang tugon ay dapat nakahanda ng ialay para sa may pinakamalaking pangangailangan sa ating lipunan.