Nagsanib-puwersa ang pitong ahensiya ng gobyerno para unti-unting mapuksa ang mga pesteng knifefish sa Laguna de Bay, iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Napag-alaman sa panayam kay BFAR Director Asis Perez na para malabanan ang pananalasa ng mga pesteng knifefish sa Laguna De Bay ay nakipagsanib-puwersa ang BFAR sa Department of Environment and Natural Resources-Laguna Lake Development Authority, Department of Science and Technology, Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry, Department of Interior and Local Government at Technological Education and Skills Development Authority.

Batay sa datos ng BFAR, taong 2012 nang umabot sa mahigit 2,500 mangingisda sa mga munisipalidad na sakop ng Laguna de Bay ang umangal dahil 40 porsiyento ng kanilang huli ay knifefish. - Jun Fabon
National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands