Pinigil ng Supreme Court (SC) First Division ang paglilipat ng LRT1-MRT3-MRT7 Common Station mula sa orihinal nitong lokasyon sa harap ng SM City North EDSA patungo sa isang lugar sa tabi ng Trinoma Mall.

Ito ay kasunod ng petisyong inihain sa SC ng SM Prime Holdings, Inc. laban sa Light Rail Transit Authority (LRTA) at Department of Transportation and Communications (DoTC).

Indefinite ang TRO o mananatili hanggang hindi binabawi ng SC.

Ayon sa SM, ang planong paglilipat ng lokasyon ng Common Station ay paglabag sa Memorandum of Agreement na may petsang Setyembre 28, 2009 sa pagitan ng kumpanya at ng LRTA.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang Common Station ang maguugnay sa LRT Taft, MRT EDSA at sa itatayong MRT 7.

Kasabay nito, iniutos din ng kataas-taasang korte na sa loob ng 10 araw ay magsumite ng komento ang mga respondent sa petisyon ng SM.

Binigyan naman ng SC ang SM ng limang araw para maisumite ang hinihingi nilang dagdag na dokumento kabilang na ang verification of the petition at proof of service of the petition o katibayang napadalhan din ng kopya ng petisyon ng SM ang mga respondent.