Agosto 3, 1596 nang matuklasan ang Mira (Omicron Ceti), isang long-period variable star, ng German astronomer na si David Fabricius.
Tinawag na “The Wonderful,” ang Mira ay isang malamig, pula at higanteng bituin na itinuturing na variable star, dahil nagbabago ang kinang nito. Nadiskubre ang unang Mira star habang pinagmamasdan ni Fabricius ang Jupiter sa constellation ng Cetus. Oktubre 1596 nang biglang maglaho ang bituin, na may +3 hanggang +10 magnitude na liwanag, hanggang muling namalas noong 1963.
Kabilang ang Mira sa grupo ng mga variable star na matagal at paiba-iba ang liwanag, ngunit pawang mapupula at naglalakihan o supergiants na may spectral types na M, S, o C.