Ni ELLSON QUISMORIO
Magtatrabaho nang husto ang House of Representatives para sa inaasahang pagpapasa ng may 20 panukala sa mga unang araw ng second regular session ng 16th Congress.
Inaasahang ipapasa sa mga susunod na araw sa ikatlo at huling pagbasa ang limang panukalang batas, isang House Joint Resolution at may 14 na lokal na panukala na inaprubahan sa ikalawang pagbasa bago pa na-adjourn ang unang regular session noong Hunyo 13.
Igigiit sa mga kongresista nag awing prioridad ang pag-apruba sa iba’t ibang panukala kaysa kanilang matagal at mabusising committee deliberation sa panukalang 2015 General Appropriations Act (GAA) o national budget, na isinumite sa Kamara noong Hulyo 30 ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad.
Nadagdag pa sa pressure ang pagtiyak ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. na gaya sa nakalipas na mga taon ng administrasyong Aquino, walang magiging re-enacted budget sa Enero 2015.
Nagkakahalaga ng P2.606 trilyon, ang panukalang 2015 national budget ay 15.1 porsiyentong mas mataas kaysa GAA na inaprubahan noong nakaraang taon.
Ang limang national House Bill na inaprubahan sa ikalawang pagbasa at inaasahang maipapasa sa mga susunod na araw ay ang:
*HB 3675, o ang “An Act removing the conditions for the condonation of all unpaid taxes due from local water districts, amending for the purpose section 289-A of the National Internal Revenue Code, as amended.” Naipasa ito noong Hunyo 10.
*HB 4629, o ang “An Act providing for a Magna Carta of the Poor,” na inaprubahan noong Hunyo 11.
*HB 4630, o ang “An Act establishing a Philippine High School for Sports and appropriating funds therefore,” na inaprubahan noong Hunyo 11.
*HB 4633, o ang “An Act Strengthening the policy framework for the development of the sugarcane industry, establishing the Sugarcane Industry Development Fund, and reconstituting the Board of Directors of the Philippine Sugar Corporation,” na inaprubahan din noong Hunyo June 11; at
*HB 4571, o ang “An Act naming the new building owned by the DILG located at Quezon Avenue corner EDSA, Quezon City as The Secretary Jesse Robredo building in honor of the late DILG Secretary.”
Council has determined whether it is still necessary or not.”