Ipinagdiriwang ngayong Agosto 3 ang ika-112 anibersaryo ng Iglesia Filipina Independiente na lalong kilala sa tawag na Simbahang Aglipay. Pangungunanan ang selebrasyon ng kanilang Obispo Maximo na si Most Rev. Ephraim Fajutagana sa kanilang katedral sa Taft Avenue sa lungsod ng Maynila. Sa mga bayan sa lalawigan ay may gagawin din pagdiriwang tulad sa simbahan ng Aglipay sa Morong at sa Pililla, Rizal. Pangungunahan ng kanilang kura paroko ang selebrasyon. Sa Pililla ay si Monsenyor Ricardo Aliwalas ang mangnguna sa pagdiriwang at sa Morong ay si Rev. Father Ernesto Ramos Cimatu.

Ang Simbahang Aglipay, ayon sa kaaysayan ay itinatag noong Agosto 3, 1902 ng makabayang si Don Isabelo De los Reyes. Pinangasiwaan ito ni Padre Gregorio Aglipay na nanungkulan bilang Obispo Maximo. Itinatag ang Simbahang Aglipay nang hindi na matagalan ang panunupil at diskriminasyon noon ng mga prayle sa mga paring Pilipino na mangasiwa ng mga parokya

Si Gregorio Aglipay na isang pari at sundalo ay isinilang sa Batac, Ilocos Norte noong Mayo 5, 1860. Teenager pa lamang si Aglipay ay nagsimula na ang pagkagalit niya sa pagmamalupit ng mga prayle. Hindi niya natapos ang pag-aaral ng abogasiya sa Unibersidad ng Santo Tomas sapagkat pumasok siya sa seminaryo sa Vigan, Ilocos Sur. Naging pari siya noong 1889. Ang kanyang unang misa ay idinaos sa Sta. Cruz, Maynila noong Enero 1, 1890. Naging miyembro siya ng Kongreso sa Malolos na kumatwan sa Ilocos Norte at isa sa bumalangkas at lumagda sa Malolos Constitution.

Sa pagsisikap ni Padre Gregorio Aglipay, sinimulan niya na mareporma ang Simbahan sa Pilipinas. Ayaw niya ng pagkakahati-hati sa Simbahan sa bansa --kundi sa paghaharap ng mga hakbang na magbibigay ng dignidad sa mga paring Pilipino at ituring bilang kapantay ng mga pari at iba pang lahi na bumubuo sa Simbahang Katoliko

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ngayon ang Iglesia Filipina Independiente ay may mahigit nang anim na milyong miyembro sa buong mundo. Patuloy sa pagpapatibay ng kongregasyong ito ng mga mananampalataya na magsisilbing buhay na testamento ng pag-ibig ng Diyos sa mundo.