Kasabay ng mga paghahanda sa pagbisita ni Pope Francis, nakahanda na rin ang Malacañang sa mga posibleng hakbangin para muling makabangon ang Eastern Visayas na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ noong Nobyembre.
Ayon kay Rehabilitation Czar Panfilo Lacson, nakapaloob sa isinumiteng Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP) ang mga dapat gawin para makabangon ang mga sinalantang lalawigan, partikular ang Tacloban City.
Ayon kay Lacson, aprubado na ng supplemental budget ang P137-bilyon pondo at joint resolution noong nakaraang taon kaya wala nang balakid para hindi umusad ang mga proyekto.
Dahil dito, tiniyak ni Lacson na marami na ang magagawa hanggang Enero, sa pagdating ni Pope Francis.