Sa kanyang unang laban sa ibayong dagat, pinatunayan ni Filipino super flyweight Michael Dasmariñas na may potensiyal siyang maging world champion nang talunin sa 8-round unanimous decision sa dating interim WBO junior bantamweight titlist Hayato Kimura kamakalawa ng gabi sa Korakeun Hall sa Tokyo, Japan.

Halos pinaglaruan lamang ni Dasmariñas si Kimura kaya nagwagi siya sa mga iskor na 79-72, 78-73 at 78-74 sa dati ring South Korean super flyweight titlist at world rated boxer.

Ito ang ika-14 na sunod na panalo ni Dasmariñas mula nang matalo kay Maybon Bodiongan noong Abril 21, 2012 sa Sta. Cruz, Zambales kaya tiyak na magkakaroon siya ng pagkakataon na lumaban sa regional title bout.

Napaganda ng 21-anyos at tubong Albay na si Dasmariñas ang kanyang rekord sa 17-1-0 (win-loss-draw) na may 10 panalo sa knockouts at umaasa siyang aangat sa rankings ng Games and Amusement Board (GAB).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho