Nakabalik sa winning track ang CSB-La Salle Greenhills matapos gibain ang Lyceum of the Philippines University (LPU), 71-52, kahapon sa NCAA Season 90 juniors basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Buhat sa anim na puntos na bentahe sa pagtatapos ng first quarter, tuluyang nakalayo ang Greenies pagdating sa second half nang magsalansan ng kabuuang 20-puntos kumpara sa 12 lamang ng Juniors Pirates para itayo ang 51-34 kalamangan papasok sa final period.

Isinalansan ni Alan Madrigal ang 8 sa kanyang kabuuang 13 puntos sa nasabing period upang pamunuan ang pagkalas ng Greenies.

Inako naman ni Michael dela Cruz ang pamumuno sa scoring chores sa final period nang isalpak nito ang 9 sa kanyang kabuuang 17 puntos sa laban.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama ni Dela Cruz na nagtala ng 17 puntos para sa Greenies si Amando San Juan habang nag-ambag naman ng 13 puntos para sa naturang panalo si John Gob.

Ang panalo ang ikatlong pagkakataon ng Greenies sa pitong laban habang naputol naman ang naitalang dalawang sunod na panalo ng Juniors Pirates na pinangunahan ni Makki Santos na tumapos na may 17 puntos.

Dahil sa pagkabigo, nalaglag ang Lyceum sa barahang 2-5 para sa solong ikalimang puwesto.