Sinabi ni Senate President Franklin Drilon noong Miyerkules na magpapatupad ang Kongreso ng mga hakbang upang gawing legal ang Disbursement Acceleration Program (DAP), na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court (SC), sa pagbibigay ng bagong kahulugan sa terminong “savings” sa pamamagitan ng isang joint resolution o isang supplemental budget. Sinabing maaaring baguhin ng Kongreso ang desisyon ng SC, nagbigay ng paglalarawan si Drilon: Kung nahatulan ang isang mamamahayag ng libel ngunit nagpasa ang Kongreso ng isang batas na nag-aalis ng kriminalidad sa libel, mawawalang saysay ang hatol.

Malamang na iniisip ni Drilon ang isang kaso noong 1956 kung saan may limang mamamayahag ang nahatulan ng pagkabilanggo dahil tumanggi silang ibunyag ang source ng kanilang impormasyon na si Justice at Defense Secretary Oscar Castelo ay mahahatulan sa pagpatay. Sinabi ng naturang mga mamamahayag na protektado sila ng Sotto Press Freedom Law na nag-aatas sa mga mamamahayag na ibulgar ang kanilang source ng impormasyon kung ito ay nasa “interest of the state” ngunit ipinasya ng hukom na sangkot nga sa kaso ang interes ng estado. Pagkalipas ng ilang buwan, sinusugan ng Kongreso ang batas upang palitan ang “interest of the state” ng “security of the state”. Sapagkat hindi naman sangkot ang pambansang seguridad, napawalang-sala ang mga mamamahayag. Salamat sa pagkilos ng Kongreso.

Tama si Drilon sa pagsasabi na kaya ngang apektuhan ng Kongreso ang pagpapasya ng SC hinggil sa DAP ngunit isa lamang sa three counts kung saan pinuntirya ito ng SC. Ito ay sa kahulugan ng savings. Sinabi ng SC na hindi sumunod ang DAP sa nakatadhana sa General Appropriations Act. At wala ring sertipikasyon mula sa National Treasury. Ang lahat ng ito ay maitutuwid ng batas.

Ngunit ang pangunahing isyu ng konstitusyunalidad ay hindi maaaring ituwid ng kahit na anong batas. Pinuntirya ng SC ang DAP sa dalawang isyung konstitusyunal – (1) that no public fund can be spent without congressional approval of a budget, and (2) that there can be no cross-border movement of funds, that is, money appropriated for the Executive Department must stay with the Executive Department, not given to the independent Commission on Audit, for example, or to members of Congress.

National

Hontiveros, nauunawaan ilang senador na binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Hindi maaaring paikutan ang Konstitusyon. Batid ito ng Pangulong Aquino nang sabihin niyang hihilingin niya sa Kongreso ang isang supplemental Budget upang palitan ang listahan ng DAP na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM). Lapat na ito sa Konstitusyon na nagsasabing ang Kongreso lamang, hindi ang DBM, ang makapaglalaan ng pondo. At hindi maililipat ng DBM mula sa isang kagawaran patungo sa isa pa.

Hindi maaaring ipawalang-saysay ang desisyon ng Supreme Court hinggil sa Konstitusyon. Susundin lamang nito iyon. At mangyayari lamang ito kung magpapasa ang Kongreso ng isang supplemental budget at maglabas ng isang joint resolution na magbibigay ng bagong kahulugan sa savings.