ROSALES, Pangasinan – Nagdeklara ng pagkakaisa at katapatan sa partido ang mga miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa unang distrito ng Pangasinan.

May siyam na alkalde at isang bise alkalde, sinabi ng mga miyembro ng NPC sa unang distrito na hindi sila bibitiw sa partido kasunod ng napaulat na may ilang kasapi ang kumalas mula sa partido kamakailan.

Kasabay nito, nanawagan din ang NPC na sa pamamagitan ni Gov. Amado Espino ay isulong ang pagkakaisa ng lahat ng lider-pulitiko sa Pangasinan.

Samantala, nagpahayag din ng suporta ang NPC sa plano ni dating Congressman Mark Cojuangco na kumandidatong gobernador sa 2016. - Liezle Basa Iñigo

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race