Team  ‘ #Y ’

(HULI SA 2 BAHAGI)

INILABAS namin kahapon ang mga entry para sa Director’s Showcase category ng CinemalayaX: Philippine Independent Film Festival and Competition na nagsimula kahapon at tatagal hanggang Agosto 10 sa CCP theaters, Ayala at Trinoma cinemas.

Para naman sa New Breed Full Length Feature category, narito ang kumpletong listahan ng sampung finalists.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umani ng magagandang rebyu ang first Cinemalaya entry ni Direk Gino Santos na The Animals shown 2 years ago. Balik-CCP stage siya this year with #Y (read: hashtag Y) with Elmo Magalona, Sophie Albert, Chynna Ortaleza, Coleen Garcia, Kit Thompson, at Slater Young, at mula sa panulat ni Jeff Stelton. Direk Gino is one of the youngest filmmakers in town.

Balik-tambalan sina Nova Villa at Freddie Webb sa 1st Ko Si 3rd, mula sa direksyon at panulat ni Real S. Florido. Kasama sa cast sina Dante Rivero, Ken Chan (who plays the young 3rd), Charee Pineda, RJ Agustin at Ruby Ruiz.

In 2008, Francis Xavier Pasion made waves as a debuting director for the film Jay which stars Baron Geisler, Flor Salanga and Coco Martin. All three eventually won a Golden Screen Awards trophy. Pagkaraan ng walong taon, muli siyang nagbabalik via Bwaya na pinagbibidahan ng 2014 Urian Awardee na si Angeli Bayani, kasama rin sina Karl Medina at RS Francisco.

Ang dating ABS-CBN talent at Golden Screen Awards winner for Best Breakthrough Performance by an Actor (Dagim) na si Martin del Rosario ang bida sa Dagitab (Sparks), written and directed by Giancarlo Lauro Abraham. Kasama niya sa cast sina Eula Valdes at Nonie Buencamino.

Newbie director Derick Cabrido works for GMA Network. Ang kanyang pelikula titled Children’s Show mula sa iskrip ni Ralston Jover ay base sa totoong pangyayari ng mga kabataang ginagamit sa underground wrestling match. Ang pelikula’y pinagbibidahan nina Allen Dizon, Gloria Sevilla, Miggs Cuaderno, Nathan Lopez at Buboy Villar.

Pagkaraang magpakita ng kahubdan sa Palitan at Debusyon, Mara Lopez shifts to drama as she plays a T’boli Princess sa K’na The Dreamweaver, sinulat at dinirek ni Ida Anita del Mundo. Ang ilan pa sa cast members ay sina RK Bagatsing, Alex Medina, Nonie Buencamino at Bembol Roco.

Naunang inialok kay Judy Ann Santos ang role na Imelda but for some reasons ay hindi ito nagawa ng Drama Queen kaya napunta kay Mylene Dizon (2008 Cinemalaya Best Actress for 100) ang coveted role sa Mariquina, written by Jerrold Tarog (2013 Cinemalaya Best Director for Sana Dati) at dinirek ni Milo Sogueco. The movie also stars Ricky Davao, Barbie Forteza, Bing Pimentel, Che Ramos-Cosio, at Dennis Padilla.

Comedy Concert Queen Ai Ai de las Alas finally conquers the indie world. Bida siya sa Ronda ni Nick Olanda, written by Adolfo Alix, Jr. at Jerome Zamora. Also in the cast are Julian Trono, Carlo Aquino, Mon Confiado at Cogie Domingo. Gumaganap si Ai Ai bilang female cop na umaresto sa kanyang teenage son for killing his lover. Sa mga nakapanood na ng pelikula, sinasabi nilang malakas ang laban ng komedyante sa Best Actress. We’ll see!

In 2009, GB Sampedro took home the coveted Cinemalaya Best Director trophy para sa first movie niyang Astig. Pagkaraan ng anim na taon, Direk GB is back in Separados said to be based sa buhay ng direktor. Written by Eric Ramos, Separados stars Alfred Vargas, Jason Abalos, Ricky Davao, Anjo Yllana, Victor Neri, Ritz Azul, Melissa Mendez and Patricia Javier.

Directorial debut din ni Janice O’Hara ang Sundalong Kanin, written by Jerry O’Hara at pinagbibidahan nina Marc Abaya, Art Acuña, Enzo Pineda, Paolo O’Hara, Che Ramos, Ian de Leon, Via Veloso, Isaac Aguirre, Elijah Canlas, Akira Morishita, Angelo Martinez and Nathaniel Britt. Bago niya pinasok ang pagdidirek, naging resident writer muna siya sa ABS-CBN. Ang ilan sa kanyang script ay Nasaan Ka, Elisa?, Alyna at The Bud Brothers Series.