March 25, 2025

Home BALITA

Mga tagasuporta ni VP Sara, nagtipon sa Davao,QC

Mga tagasuporta ni VP Sara, nagtipon sa Davao,QC
Photo courtesy: VP Sara/Facebook, GMA Regional TV One Mindanao

Dumagsa sa harapan ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City at Rizal Park sa Davao City ang ilan sa mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte, kasunod ng mga isyung kaniyang kinahaharap partikular na sa House of Representatives kaugnay ng confidential funds at pananatili niya sa Kamara para samahan ang kaniyang chief-of-staff na si Zuleika Lopez na nakadetine.

KAUGNAY NA BALITA: House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

Ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB nitong Linggo, Nobyembre 24, 2024, nagpatupad umano nang paghihigpit sa area ng naturang ospital ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagpapakita ng suporta ni VP Sara.

Samantala, ayon naman sa ulat ng GMA News online, tinatayang nasa 600 katao raw ang nagtipon naman sa Rizal Park sa Davao City at nagsagawa umano ng prayer vigil noong Sabado, Nobyembre 23, 2024.

National

Manilenyo, may kailangang bayaran dahil sa ₱17.8B utang na iniwan ni Isko – Atty. Abante

Pinangunahan ng Hugpong sa Tawong Lungsod Party ang naturang aktibidad na dinaluhan ng daan-daang mga taga-suporta ni VP Sara.

Matatandaang tila mas uminit ang isyung kinahaharap ng Pangalawang Pangulo matapos ang kaniyang mga pahayag laban kay Pangulong Bongbong Marcos at House of Representatives kaugnay pa rin sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa umano’y kuwestiyonableng paggamit ng Office of the Vice President sa kanilang confidential funds. 

KAUGNAY NA BALITA:House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'