Nausisa ang aktres na si Carmina Villarroel kung papayag pa siyang makasama sa isang proyekto ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara.
Bago pa man ang naging isyu kaugnay sa pagiging "pakialamera" daw ni Carmina sa relasyon daw ng anak na si Mavy Legaspi kay Kyline, nagkasama na muna sila sa seryeng "Kambal Karibal."
Nang pumutok na nga ang isyu tungkol sa umano'y hiwalayan nina Mavy at Kyline, nadawit dito si Mina dahil sa ilang cryptic posts niya, na iniugnay naman sa "Shining Inheritance" star.
Pero hindi nanahimik si Kyline dahil palaban din siyang naglabas ng cryptic posts, na ikinonekta naman bilang sagot kay Carmina, bagama't wala ni isa sa kanila ang nagkumpirma tungkol dito.
Sa isang panayam nga ay natanong si Mina na kung sakaling magkrus ulit ang landas nila ni Kyline sa GMA Network at mabigyan ng proyekto, papayag ba siya?
Safe na sagot ni Carmina, "Ano ba, magkakilala naman kami, of course we've worked together. Parang ayoko na lang magsalita kasi ito na nga, pag magsasalita na naman ako may sasabihin na naman sila.."
"Ayoko na magsalita kasi mamasamain na naman ng ibang mga tao kahit na sabihin mo, 'I wish her well' or may sabihin kang maganda, sasabihin nila eh 'plastic.'"
"Why not?" saad ng batikang aktres. "Why not, basta gusto ko na lang naman ng chill, ayoko na ng stress..."
MAKI-BALITA: Carmina, bumwelta sa mga nagsasabing matapobre, pakialamera siyang ina