Dalawa ang naiulat nanalo ng mahigit ₱89.5 milyon sa 6/49 Super Lotto draw nitong Huwebes.

Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng dalawang mananaya ang 6 digits na winning combination na 

28-16-18-29-14-09.

Gayunman, hindi pa matukoy ng PCSO ang dalawang lugar kung saan tumaya ang dalawang mananaya. 

Binobola ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo.