Isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes na binili sa San Juan City ang ticket ng lotto nanalo ng mahigit ₱15 milyong jackpot nitong Huwebes, Pebrero 29.

Inihayag ng PCSO, ang winning ticket ay binili sa isang outlet sa Barangay West Crame.

Nahulaan ng naturang mananaya ang 6-digit na winning combination na 05-21-03-33-30-41.

Panawagan ng PCSO sa bagong lotto winner na i-claim ang premyo sa central office nito sa Mandaluyong City at magdala lamang ng dalawang valid identification (ID) cards, pati na rin ang nanalong ticket. 

Sonny Daanoy