(Manila Bulletin File Photo)
Walang tumama sa ₱112M jackpot sa lotto -- PCSO
Walang idineklarang nanalo sa lotto jackpot na ₱112 milyon sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ipinaliwanag ng PCSO, walang masuwerteng nanalo sa 6 digits combination na 45-55-40-04-08-44 kung saan aabot sa ₱112,152,500.60 ang jackpot nito.
Ang draw ng Ultra Lotto ay tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
Idinagdag pa ng ahensya, wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45 draw nitong Nobyembre 10 ng gabi.
Hindi rin nahulaan ang winning combination na 06-41-13-37-34-08 na may jackpot na ₱8,910,000.